­

Failures

by - 3:34 AM

FAILURES

Sabi ng marami, ang buhay daw puno ng failures. Minsan kailangan daw madapa para matutong bumangon.Kailangang mawalan para magkaroon. Madalas kailangan masaktan para tumibay. Kailngan mabigo para magtagumpay. Ang failures daw ay kailngan para matuto. Pero paano kung buong buhay mo lahat ay failures? Ibig ba sabihin hindi ka natututo sa pagkakamali mo o sadyang mapagbiro lang ang panahon?

Ang buhay ko sa palagay ko ay puro kabiguan. Maraming beses na akong nadapa at bumangon, nasaktan at lalong tumibay, nabigo, nagsikap at nagtagumpay. Pero may isang pangyayarai sa buhay ko na kailanman ay hindi na mabubura sa aking puso at isipan.

Mabilis ang mga pangyayari. Nalaman ko na lang nabigo ako. Pagkatapos, naglaho na lahat. Ang mundo ko ay tuluyan ng gumuho. Ang mga pangarap ko lahat naglaho ng parang bula. Ang dating makulay na mundo, ngayon ay nababalot ng kadiliman. Nasasaktan ako. Nagagalit. Namamanhid. Nawawalan ng pag asa. Nagtatanong-"Bakit ako pa? Marami naman dyang iba!"

Ngayon lumulutang ako sa gitna ng kawalan, bigo at luhaan. Kung kailan ako makakaahon hindi ko pa matiyak. Kung anong direksiyon ang tatahakin hindi ko pa alam. Sa ngayon ang alam ko lang ay nasasaktan ako. Kung maghihilom pa ang sugat, yan ang walang kasiguruhan.

Galit ang laman ng puso ko ngayon. Pagkabigo na pakiramdam ko ay wala ng katapusan. Ayoko ng bumangon. Wala na akong lakas para humarap pa sa bukas. Wala na atang bukas na naghihintay sa akin. Kung meron man, sana dumating na.

Madaming beses na rin akong nabigo at nasaktan. Madaming beses nawalan-tao man o material na bagay. Pero ang pangyayaring iyon, walang kapantay ang sakit. Nakalimutan ko na ang lahat ng bagay maliban sa paghinga at pagkurap. Kung hindi dahil sa dalawang bagay na yan, sa palagay ko wala na ako. Sana nga...Ngayon nandito pa ako, buhay ang pisikal na aspeto pero ang buo kong pagkatao naglaho na. Pinatay na ako ng pangyayaring yon...Ang PAULA na nakilala bg marami, pumanaw na...




You May Also Like

0 comments

@paulapinkikay