­

Words Of Wisdom

by - 6:28 PM

WORDS OF WISDOM

Last July 30, I went to Makati to apply for a job. When I passed my resume, a man, probably in his 40's told me that there's no vacancy for the position that I am applying for. So I said thank you and was on my way out. But guess what, the man gave me lectures. Yes lectures about life. This post maybe long but please read it because you'll learn a lot.

Hindi ko malaman kung propeta siya, baka sugo ng langit, o di kaya naman isang ordinaryong tao lang din na hinasa na at pinatatag ng panahon. Ito ang mga sinabi niya sa akin:

*Mayroon 3 Stages Ang Buhay

First stage: 0-25 years old=routine
Ito daw ang stage na kung saan ang tao ay gigising, kakain, maglalaro, papasok sa paaralan, uuwi, matutulog. Ganyan daw ang 1st 25 years ng life natin.

Second stage: 26-59 years old=realization
Ito naman daw ang time na kung saan naiisip natin na hindi na tayo mga bata. Ito ang panahon na naghahanap na tayo ng trabaho at gumagawa ng pangalan sa kung ano mang field na gusto natin. Sabi pa niya bata pa daw ako. Magtyaga lang daw ako at makakahanp ako ng trabaho. At siguraduhin ko daw na pagdating ko ng 30 years old, dapat daw ay trabaho na ang humahabol sa akin. Dagdag pa niya pag 40 years old ka na wala ng tatanggap sa'yo, maliban na lang kung sobrang galing mo. Kaya ngayon ang panahon para patunayan sa mundo na karapat dapat ka sa trabaho na pinapasukan mo.

Third stage: 60 years old onwards=bonus years
Ito daw ang stage na kung saan masaya mong pinapanood at inaalagaan ang mga apo mo. Kung nakapag ipon ka, malaya mong magagawa ang gusto mo at mapupuntahan ang mga lugar na gusto mong marating. Kung wala kang naipon, nagiging pabigat ka sa pamilya mo. At dahil matanda ka na, wala ka ng magawa kung hindi magsisis kung bakit di ka nagsikap noong malakas ka pa.

*2 Dahilan Kung Bakit Nagbibigay Ng Pagsubok Ang Diyos:

1. To strengthen us
Marami sa atin ang mahina ngunit pagkatapos malampasan ang mga unos sa buhay ay nagiging matatag.

2. To destroy us
Meron naman sa atin ang masyado na daw matatag at napakataas na ng tingin sa sarili nila. Binibigyan sila ng pagsubok ng Diyos para ipaalam sa kanila na hindi sila ang pinakamakapangyarihan sa mundo at ang pride ay walang maidudulot na maganda sa atin. Dapat din tayong magpakumbaba kaya naman binibigyan tayo ng mga pagsubok gaano man tayo katatag.

*2 Types Of Creatures On Earth:

1. creature of circumstance
Ito yung mga tao na wala ng gagawin sa buhay nila sa pag aakalang wala na silang mapapala kahit pa sila magsikap. Katwiran nila "mahirap kaming pinanganak at mamatay kami na mahirap pa din"

2. creator of circumstance
Ito naman yung mga taong alam gamitin ang mga talento o kung ano mang available resources sa paligid nila. Inihalimbawa niya si Manny Pacquioa na ipinanganak na sobrang hirap. Ngunit ginamit niya ang talento niya ngayon ay isa ng kilalang boxer at isa na ring napakayaman na tao.

*Sinabi din niya na "Good decisions come from experience. Experience comes from bad judgement".

*Ang oras daw ay isa sa mga napakahalagang aspeto ng buhay. If there is no time there will be no friendship or relationship. Totoo nga ito kasi diba madaming relasyon ang nasisira dahil sa wala silang oras sa isa't isa. Ganun din daw tayo dapat sa Diyos. Dapat maglaan din tayo ng oras para kausapin siya para naman tumibay ang relasyon natin saKanya.

*Ang mga babae daw ngayon ay mas matatalino. Dati daw kasi natututo tayo sa mali natin. Pero ngayon ang mga babae natututo sa mali ng iba. Halimbawa daw may kakilala tayo na nabuntis ng wala sa tamang oras, syempre hindi natin yun hahayaan na mangyari sa atin dahil nga natuto na tayo sa experience ng iba.

Umuwi akong nagiisip. Sino ba talaga siya? Propete, sugo ng langit, wise man? Pero hindi na mahalaga kung sino man siya. Ang importante may natutunan ako sa halos dalawang oras naming pag-uusap. Umuwi akong wala pa ring trabaho ngunit masayang masaya sa mga aral na napulot ko.




You May Also Like

0 comments

@paulapinkikay