Nakakamiss Din Pala Sila
NAKAKAMISS DIN PALA SILA
sobrang marami na rin akong na miss saPinas. Bukod sa mga taong malalapit sapuso ko at mga paborito kong gamit na hindi ko nadala, napakarami pa rin palang bagay, lugar at pangyayari ang sobrang namimiss ko.
*Isaw sa U.P.
-sobrang fave ko ang street food naito at kahit saang b-b-q-han ito ang kinakain ko pero the best ang sa U.P.Kahit mga super sosyal na tao sarap na sarap sa isaw.yummy!
*Inuman Sessions sa Ilog
-bago ako umalis ang ilog ang nagingsaksi sa laht ng tuwa, lungkot at pagaalinlangan ko sa buhay. Namiss ko lahat ng mga taong nakasama ko dito at sana pagbalik ko makasama ko ulit kayo. The best ang ambiance dito,samahan pa ng super galing at superastig na bands. At sympre namiss ko na din ang alak. Sige Red Horse pa!!!
*Bonding moments sa mga coffee shop
-madami din namang mga coffee shops dito pero iba pa din pag kasama mo ang mga coffee buddies mo. Yung tipong inaabot na kayo ng umaga para lang magkape at mag usap tungkol sa mga buhay buhay. Namiss ko lahat ng coffee buddies ko, sobra!
*UAAP
-Number 1 fan ako ng UE Red Warriors.Matagal ko an silang sinusubaybayan at di ko malaman bakit hanggang final 4 lang ay nasisiyahan na sila. Kaya nga when they started the season with confidence, I felt that this season isreally different. After 14 games, they remain undefeated and that win over Delasalle gave UE Red Warriors the chance to advance for the finals. I know UE can make it. Kaya nga supersad ako na I can't watch them in the finals. Part sana ako ng history...
*Malls
-Sabi nga nila pinakamagaganda atpinakamalalaki ang malls sa Pinas. Sailang araw ko dito wala pa ako nakitang malls, puro mga buildig lang. At super namimiss ko na magstroll sa mall.
*patok na Jeep
-Favorite ko talaga sumakay sa mga patok na jeepney. Yung byahe mo na 30 mins kayang kuhanin ng 10 minutes lang, pero mamamatay ka kung may sakit ka sa puso. Dito taxi at bus lang ang means of transpo kaya mahirap magpuntasa mga lugar na dapat mo puntahan.
0 comments