Shuttered Dreams

by - 10:16 PM

Shuttered Dreams

Aug 10, tumawag siya para sabihing meron na siyang iba...Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko. Hindi ko alam kung paanong iyak ang gagawin ko. Ang alam ko lang sobrang masakit. 6 years din kami magkasama, maraming oras ang pinagsamahan, maraming pangako ang binitawan at maraming pangarap ang nais tuparin. At sa isang iglap, gumuho ang mundo ko. Hanggang ngayon hind ko alam kung paano tatanggapin at kung paano ako muling babangon. Madalas hindi ako makakain, hind makatulog at kung makatulog man, nagigising sa gitna ng gabi, lumuluha at nagtatanong "BAKIT?" Minsan hinihiling ko na sana bangungot lang ito. Sana pagsubok lang. I remember posting an article here on how to survive a break up and the funny thing is hindi ko sya magawa sa sarili ko. Masakit...I can't find the words that will describe the current situaton that I'm going through...Hindi ko hinhiling na makita pa si MR. RIGHT. Sana lang mapatawad niya ako, mapatawad ko siya at maka pag move on na ko. Hindi na importante kung sino ang may kasalanan. Sabi nga nila, "It takes two to tango" and I believe that both parties have flaws and shortcomings that made the relationship fail. Honestly I am still hoping that things will work, sana kaya pa ma save kase hind rin biro ang pnagsamahan namin...


You May Also Like

1 comments

@paulapinkikay