Pain In Paula's Heart

by - 12:29 AM

Pain In Paula's Heart

Hay! Sobrang I'm really not feeling good. Minsan napapagod na ko umiyak pero parang hindi maubos yung luha sa mga mata ko. Sobrang masakit pa din. Gusto ko magalit, gusto ko magwala, gusto ko sumigaw...Lahat gagawin ko mawala lang lahat ng galit at sakit sa puso ko. Ang daling sabihin na "Life goes on" na madami pa dyan pero mahirap gawin... Mahabang panahon ang anim na taon. Sapat na panahon para mabuo lahat ng mga pangarap namin. Naaalala ko pa noong mga panahon na walang wala kaming pera, magkasama pa din kami, masayang nanganagrap at nagpapalitan ng pangakong walang iwanan ano man ang mangyari. Ayaw ko naman maging bitter pero bakit ganun dahil ba may nakita na siya itatapon na lang ako ng ganun ganun diba? Parang wala kase akong kalaban laban. Nandito ako sa Pinas umaasa na kukunin nya, umasa sa pangako nya na pag maayos na sya doon kukunin nya ko at tutuparin na namin yung mga pangarap namin. Buo ang loob ko na mangyayari lahat yon. At kahit may mga panahon na lungkot na lungkot ako, ang pangakong magkakasama kami ang bumubuhay sakin at nagpapalakas sakin. Dumating ang panahon na bihira na siya tumawag at mag text. Sabi nya busy lang. Ako si tanga naniwala naman. Nagtitipid daw para makaipon kaya di lagi makatawg. Ang pinagtataka ko naman bakit di nya sinasagot ang tawag ko? Sa text nag try din ako, sa email pati sa friendster. Pero wala bigo ako. Sumagi sa isipan ko na baka meron na siyang iba, pero mas malakas ang paniniwala ko na hindi nya ko kayang saktan. Alam kong nalulungkot sya doon pero hindi nya ko kayang lokohin at hindi nya ipagpapalit ang lahat nga mga nasimulan namin. Noong sinabi na nyang may iba na sya, hindi ko alam kung paano ito tanggapin. Inisip ko noong panahong yon na nagbibiro lang sya, pero hindi. Natapos ang usapan at pinanindigan nyang may iba na sya. Ako walang masabi kung hindi bakit at paano nya yon nagawa? Sa ngayon hindi ko inaasahan na maiintindihan ko ang mga pangyayari. Matagal pa na panahon ang bibilangin bago ako gumaling. Sana ang panahon ay makapagbigay sagot sa mga katanungang tila wala ng kasagutan. Ang panalangin sana ay makapagpatawad sa lahat ng pagkakasala. Ang tadhana sana ang makapagtuwid sa mga pagkakamali. Sana ang oras ang magpahilom sa mga pusong sugatan. Sana dumating ang araw na muli kong maririnig ang musika sa paligid. At sana ang mga mapapait na pangyayari ang magbigay daan sa pagbabago...



You May Also Like

1 comments

@paulapinkikay