Ang Taong Mahal Mo O Ang Taong Nagmamahal Sa'yo?
ANG TAONG MAHAL MO O ANG TAONG NAGMAMAHAL SA'YO?
Masarap magmahal diba? Lalo na kung yung mahal mo ay mahal ka din. Pero paano kung yung mahal mo ay may mahal na iba o kaya naman ay may nagmamahal sa'yo pero iba naman ang mahal mo? Parang ang gulo na ano? Masaya ako pag nakakakita ako ng mga taong nagmamahalan. Yung pag tinignan mo sila sa mata kitang kita mo na in love na in love sila sa isa't isa. Sana nga lahat ng kwento ay ganun. Pero ang masaklap na katotohanan, marami sa atin ang naging bihag na ng sakit ng pag-ibig. Marami sa atin (aminin man natin o hindi) ang nagdurusa ng dahil sa sila ay nagmamahal.
Bakit kaya pag mahal mo ang isang tao kaya mong gawin ang lahat para sa kanya? Yung tipong wala kang hinihinging kapalit basta maipakita mo lang sa kanya kung gaano mo siya kamahal. Para bang wala kang kapaguran gumawa ng mga bagay na ikakatuwa nya. Pakiramdam mo lahat kaya mong gawin para sa kanya. At mas madalas kesa hindi, nasasaktan ka. Kaya mo ba talaga siyang mahalin kahit alam mo na hindi ikaw ang tinitibok ng puso niya? Hanggang kailan ka ba aasa na kaya ka rin nyang mahalin? Hanggang kailan mo masasabi na mahal mo siya kung hindi ka naman niya kayang mahalin? Natututunan ba talaga ang pag mamahal?
Bilib din naman ako sa iba. Naranasan mo naman na siguro yung meron naman isang tao na sobrang mahal ka. Kung kaya nga nyang sungkitin ang mga bituin, mauubos na ang bituin sa kalangitan dahil lahat yan ibibigay nya sa'yo. Lahat ng sakripisyo ay gagawin nya. Wala siyang hindi ibibigay. Kaya nyang mag hintay gaano man ito katagal at kahit wala pa nga itong kasiguruhan. Pero bakit di mo siya magawang mahalin? Hindi ba talaga pwedeng turuan ang puso?
Ano nga ba talaga ang mas mahalaga yung taong mahal mo o yung taong nagmamahal sa'yo? Ikaw sino ba ang pipiliin mo?

...mixing and matching clothes...
I can play the guitar but I can't sing
...coffee addict
...bookworm
...collects chuck taylor (hi-cut)...loves camouflage stuffs...in love with vanilla scent...can never say no to junk foods...Mariah Carey's #1 fan...loves Bianca Gonzalez...registered nurse by profession
...frustrated astronaut and neurosurgeon...aspiring writer
...
interested in photography and
culinary arts
...super girl wannabe...butterfly freak
...adores hello kitty
...obsessive compulsive...
very moody and super kulit...fashionista, emo girl and rakista rolled into one...
And oh, no haters please.

1 comments