Bakit Naiinlove Ang Mga Babae Sa Mga Playboy?

by - 4:32 PM

BAKIT NAIINLOVE ANG MGA BABAE SA MGA PLAYBOY?

Ang mga babae hindi yan bulag, lalong hindi manhid o tanga. Malakas ang pakiramdam naming mga babae at daig pa namin ang pinkamagaling na manghuhula kung hulaan rin lang kung sino ba talaga ang PLAYBOY sa mga lalake na ito. Ang mga playboy natural napakaraming GIRLS sa buhay nila. Kung ilan kami o pang ilan kami sa buhay nila hindi na mahalaga. Eh bakit nga ba nagkakagusto ang mga babae sa playboy?Ito ang mga reasons.

*NOTE: ang mga reasons na ito ay charged from experienced. I'm speaking for myself. Wala akong ibang naging basis kung hindi ang sarili kong mga paniniwala at opinion so please DON'T QUOTE me on this...

1. masarap magmahal ang playboy
-Bukod sa mabulaklak ang dila ng mga playboy, todo din ang effort nyan para lang mapasagot ka. Kung may Visa papunta sa buwan sigurado dadalhin ka nya doon. At kung kayang bilhin ang mga bituin, malamang naubos na ang mga tala sa kalangitan dahil lahat yan ay ibibigay nila sau *aww (sweetness!)

2.iba ang yabang factor ng mga playboy
-Likas na siguro sa playboy ang ma-angas. Ewan ko ba pero iba ang dating sakin ng mga guys na maangas. . Parang may kakaiba sa kanila, parang sobrang challenging ang personality. Just imagine ang pinakamaangas sa campus sinusuyo ka, iba ang dating! Kaya kung ma-angas ang look mo boy pero gagawin mo lahat para mapasagot ang isang girl, YOU'RE THE MAN!!!

3. masarap makitang magbago ang playboy para sayo
-Yung tipong sasabihin nya sa'yo na "alam mo dati gago ako pero nung nakilala kita nakita ko na ang dahilan para magbago", o kaya naman "alam mo ikaw lang nakapagpatino sakin" *aww (sweetness strikes again!)



You May Also Like

1 comments

@paulapinkikay